Ricarte Disappears

Mga Sipi mula sa Mga Gunita ng Himagsikan ni Emilio Aguinaldo

Pagkatapos na matuklasan ko ang mahiwagang pagpupulong sa bahay hacienda sa Naic, noong ika-19 ng Abril, kinahating-gabihan ng araw ring yon naglamay na umalis na patakas ang Supremo A. Bonifacio, na dala ang kanyang tropa, at diumano'y umuwi sila sa Balara, Montalban. Ang balitang ito'y ihinatid sa akin umagang-umaga ng ika-20 ng Abril, ng isang opisyal na taga-tanod. Kasabay ring umalis si Heneral A. Ricarte at ang Hukbo ng Magdiwang na sasaklolo diumano kay Heneral Miguel Malvar, sa Tanauan, Batangas, sa kapahintulutan ng Supremo.

(patuloy)

Sa madali't salita'y umalis kami ng aking kawal na walang sinumang nakakaalam ng aming pagdaraanan at paroroonan, maliban sa aming mga pinuno. Maghapon kaming naglakbay at nakarating kaming maluwalhati sa lugal na kung tawagin ay Kaytitingga, sakop ng Alfonso, Kabite. Dito kami nagpahinga at nagparaan ng gabi. Dito ko rin natanto ang katunayan na dito ikinubli ni Heneral A. Ricarte ang Hukbong Magdiwang, at hindi totoong sumukoro kay Heneral Malvar sa Tanauan, Batangas.

(Translated)

Excerpts from Emilio Aguinaldo’s Memoirs of the Revolution

After I discovered the mysterious meeting at the hacienda house in Naic, on the 19th of April, at midnight of the same day, Supremo A. Bonifacio, with his troops, allegedly returned home to Balara, Montalban. This news was conveyed to me early in the morning of the 20th of April, by an officer of the guard. General A. Ricarte and the Magdiwang Army also left at the same time to help General Miguel Malvar, in Tanauan, Batangas, with the permission of the Supremo.

(continued)

My army and I quickly left without anyone knowing where we were passing or where we were going, except our leaders. We traveled all day and we arrived gloriously in a place called Kaytitingga, Alfonso, Cavite. Here we rested and spent the night. It was here that I also realized the fact that this was where General A. Ricarte hid his Magdiwang army, and did not really aid General Malvar in Tanauan, Batangas.