Sina Miguel Malvar at Andres Bonifacio
mula sa "Ilang Talata tungkol sa Paghihimagsik" ni Carlos Ronquillo
Palagi na lamang nababanggit ang pangalan ni Miguel Malvar kaugnay sa kaso ni Bonifacio. Ano ba talaga ang pakikisangkot niya sa buhay ng Supremo?
Alam nating nasa Kabite si Hen. Miguel Malvar, ng Santo Tomas (Batangas) kasama pa ng iba pang 2,000 hanggang 5,0000 Batangueñong nagsipangubli sa lalawigang ito na nagtatag ng Gobiernong Regional Batangueño tulad din ni Santiago Rillo de Leon ng Tuy, Batangas. Isa rin siya sa mga Magdaló na nakipaglaban kasama ni Aguinaldo sa Talisay noong Oktubre 1896. Nakipaglaban din siya sa may tulay ng Zapote sa Bakood noong Pebrero 1897, at umalis kasama ng kanyang pangkat sa Indang kung saan siya nakabase pa nang maghalalan sa Tejeros, sa San Francisco de Malabon noong Marso 22, 1897.
May mga patunay na si Bonifacio ay nasa Limbon, Indang na noong dalawang araw pa lamang kahahalal ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Pamahalaang Nanghihimagsik upang makuha ang suporta nito sa kanya. Ang liham ni Bonifacio noong ika-16 ng Abril 1897 kay Emilio Jacinto ay magpapatibay rin na ang Pamahalaang Panlalawigan ay itinatag sa Batangas at si Miguel Malvar ang siyang punong militar na nagbabalak nang sumalakay sa walong bayan ng Batangas nguni't nagkapos naman ng sandata't bala. Kaya bilang abuloy, si Bonifacio's nagkaloob ng dalawampung sundalo at dalawampung gulukán sa ilalim ng pag-uutos ni Artemio Ricarte.
Ngunit may pagkasegurista rin si Malvar iniwasang malayo naman ang kanyang loob kay Aguinaldo. Kailangang-kailangan niya ang bigas para sa kanyang mga sundalo. Wika nga'y nanawid siya sa dalawang ilog para makamit lamang ang kanyang pangangailangan. Nguni't ang panliligaw naman ni Malvar kay Bonifacio ay hindi nagtagal, sapagkat ang ipinangako niya'y di natuloy. Ang dahilan ay tumakas na nga si Artemio Ricarte at ang mga tauhan sa himpilan ni Bonifacio noong ika-19 ng Abril 1897 pagkatapos silang mahuli ni Aguinaldo mismo na nagpupulong nang lihim sa Bahay Asyenda ng Naik at nagtago sa nayon ng Kaytitingga, Alfonso na noo'y tinatawag na Mainam, punong himpilan ng mga Magdiwang.
Noong Abril 24, 1897 ipinahayag ng bagong halal na Pangulo ng Pamahalaang Nanghihimagsik Emilio Aguinaldo sa mga kaanib ng Gobiernong Regional Batangueño na ang bunga ng Kapulungan sa Tejeros ay igagalang.
Ipinag-utos nang dakpin sina Andres Bonifacio noong ika-26 ng Abril 1897 sa Limbon, Indang at litisin, parusahan nang nararapat. Sa bundok ng Hulóg, sa nayon ng Pinagsanghan, Maragondon nagwakas ang buhay nina Andres at Procopio Bonifacio.
(Translation)
Miguel Malvar's name is always mentioned in connection with Bonifacio's case. What exactly is his involvement in the life of the Supremo?
We know that Hen. Miguel Malvar, of Santo Tomas (Batangas), just like Santiago Rillo de Leon of Tuy, Batangas, was in Cavite along with another 2,000 to 5,0000 Batangueños who took refuge in this province and established the Batangueño Regional Government. He was also one of the Magdaló who fought with Aguinaldo in Talisay in October 1896. He also fought at the Zapote bridge in Bakood in February 1897, and left with his group for Indang where he was based during the assembly in Tejeros, in San Francisco de Malabon on March 22, 1897.
There is evidence that Bonifacio was in Limbon, Indang just two days ago after Aguinaldo was elected President of the Revolutionary Government, to get his (Malvar's) support for him. Bonifacio's letter on April 16, 1897 to Emilio Jacinto would also confirm that the Provincial Government had been established in Batangas and that Miguel Malvar was the military chief who planned to attack eight towns in Batangas but lacked weapons and bullets. So as his contribution, Bonifacio committed twenty soldiers and twenty bolomen under the command of Artemio Ricarte.
But Malvar was also cautious and avoided being distant from Aguinaldo. He desperately needed rice for his soldiers. It is said that he crossed two rivers just to meet his needs. But Malvar's courtship with Bonifacio did not last long, because what he (Bonifacio) promised was not fulfilled. The reason was that Artemio Ricarte and his staff fled from Bonifacio's headquarters on April 19, 1897 after they were caught by Aguinaldo himself meeting secretly at the Naik Hacienda House and hid in the village of Kaytitingga (formerly called Mainam), Alfonso, headquarters of the Magdiwang.
On April 24, 1897 the newly elected President of the Rebel Government Emilio Aguinaldo declared to the members of the Batangueño Regional Government that the agreements in Tejeros were to be respected.
Andres Bonifacio was ordered arrested on April 26, 1897 in Limbon, Indang and tried and punished accordingly. On the mountain of Hulóg, in the village of Pinagsanghan, Maragondon, the lives of Andres and Procopio Bonifacio ended.